#FarmMechanization | Ayon kay Commander Stallion ng Moro Islamic Liberation Front (Ex-Combatant) sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat, nakatulong ang mga farm input na ipinamahagi ng Department of Agriculture 12 sa kanilang komunidad at mas nahikayat niya ang iba pa na magbalik loob na sa pamahalaan.
 
Sa Tupi, South Cotabato noong September 14, binigyan sila ng DA 12 ng isang unit ng traktora upang mas mapadali ang kanilang pagsasaka at mapalaki ang kanilang produksyon.