#GawadSaka2019 | Ngayong araw, isang coconut farmer na tubong Polomolok, South Cotabato ang hinirang bilang national winner sa ika-49 na taon ng Gawad Saka.

Dahil sa kanyang di matatawarang kontribusyon sa coconut industry sa Rehiyon Dose, si Ginoong Jesus Dignadice, Jr. ay nagwagi bilang "Outstanding Coconut Farmer" para sa taong 2018 hanggang 2019.

Ang Gawad Saka ay taunang patimpalak na isinasagawa ng Department of Agriculture upang kilalanin at parangalan ang mga natatanging magsasaka at mangingisda sa ating bansa.

Congratulations, Ka-Agri!