Mga Ka-agri, makatatanggap ng binhi ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA. Pakidala ang iyong RSBSA stub at isang valid ID sa araw ng pamimigay ng binhi.

PAUNAWA: Kung nakatanggap na ng ayuda mula sa ibang programa ng DA tulad ng hybrid seeds at seed assistance ng inyong LGU, maaaring hindi na kayo mabigyan ng seeds mula RCEF-Seed Program upang maibahagi ang binhi sa iba pang magsasaka.

Narito ang iskedyul ng pamamahagi para sa SOCCSKSARGEN Region:

REGION 12
Kabacan, North Cotabato - Disyembre 20-21
Banga, South Cotabato - Disyembre 23-24
Lambayong, Sultan Kudarat - Disyembre 23
Columbio, Sultan Kudarat - Disyembre 26-27