Happy 4th Anniversary mga Ka-Agri!

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ating ika-4 na anibersaryo ngayong Oktubre 2018, isang Outreach Program ang ikakasa ng Department of Agriculture XII sa Barangay Mambucal dito sa lungsod ng Koronadal ngayong ika-10 ng Setyembre.

Tatanggap kami ng mga sumusunod na donasyon: school supplies (for elementary pupils); mga laruan; hygiene kits; 
grocery items; sapatos; tsinelas; mga damit pambata at pang-matanda; libro at marami pang iba.

Kung nais ninyong makiisa sa isang pambihirang aktibidad na ito, mag-comment lamang sa post na ito. Maaari rin kayong mag-PM sa amin o di kaya'y mag-text o tumawag sa mga numero bilang: 0926 - 220 - 4681/0948 - 533- 3077 at hanapin si G. Carl Ulysses Aguillon.

Maraming salamat mga Ka-Agri!